^

Police Metro

Napoles abswelto sa kasong illegal detention

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Abswelto sa kasong illegal detention ang detenidong negosyante na si Janet Napoles nang baliktarin ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng Makati Regional Trial Court  noong April 2015 na siya ay  nagkasala sa kasong serious illegal detention na may kinalaman sa pagkulong nito umano sa pinsan na si Benhur Luy.

Hindi kumbinsido ang CA na aktwal na napagkaitan ng kanyang kalayaan si Luy habang siya ay nananatili sa Bahay ni San Jose na isang retreat house sa Makati City.

Batay umano sa mga nakalap na ebidensya, mismong si Luy pa ang humiling na mapasailalim sa spiritual retreat sa Bahay ni San Jose base na rin umano sa journal nito  na naglalaman ng kabuuan ng kanyang pananatili sa retreat house at sa kanyang liham sa kanyang pamilya noong February 21, 2013 na naglalahad ng mga ginagawa niya sa loob ng retreat house kagaya ng fasting o pag-aayuno at pagdarasal tuwing alas tres ng madaling araw.

Sa panahon umano na si Luy ay nananatili sa retreat house na hindi rin naman niya naisip na tumakas at hindi rin nasabi sa iba ang kanyang sitwasyon.

Gayunman, mananatili si Napoles sa kulungan dahil may naka-pending pa itong kasong plunder at graft cases sa Sandiganbayan na may kinalaman sa paggamit ng kanyang mga pekeng NGO sa kontrobersiyal na pork barrel ng mga mambabatas.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang kampo ni Luy sa naging decision ng CA.   

vuukle comment

NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with