^

Police Metro

Drug pusher pinatay sa torture

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinorture muna bago pinatay ang isang pinaghihinalaang drug pusher na ang bangkay ay isinilid sa sako at  itinapon sa golf course area sa Bonuan Binloc, Dagupan City, Pangasinan kamakalawa.

Batay sa ulat bandang alas- 6:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima nang ito ay ire-port sa pulisya ng isang concerned citizen hinggil sa natagpuang sako na puno ng mga marka ng dugo  na ina­bandona sa golf course.

Ang hindi pa nakila­lang biktima ay tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, bakas ang mga  malalalim na pasa sa katawan na palatandaan ng matinding torture na sinapit nito sa mga salarin, nakagapos ang mga kamay at may masking tape sa bahagi ng ilong at bibig nito.

Inilarawan ang biktima na  tinatayang may taas na 5’8” hanggang 5’10”, walang pang-itaas na damit at nakasuot lamang ng jersey na kung saan may karatula na may mensahe na “Drug pusher ako, huwag tularan, may susunod pa”.

Ang biktima ay posibleng pinatay sa ibang lugar at doon lang itinapon sa nasabing golf course upang ilihis ang imbestigasyon.

vuukle comment

CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with