^

Police Metro

Water level sa La Mesa Dam bumababa

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sanhi ng dry season sa bansa ay patuloy ang pagbaba ng water level  sa La Mesa Dam  sa Quezon City.

Ayon kay Engr. Teddy Angeles ng La Mesa Dam, bagamat may mga pag-uulan na nararanasan  sa Luzon laluna sa Metro Manila ay hindi naman ito nagbibigay ng dagdag na suplay ng tubig sa naturang dam dahil ang tubig ulan ay napupunta na lamang sa tigang na lupa.

Ang La Mesa dam ay bahagi ng Angat-Ipo-La Mesa Water system na nagsusuplay ng 90 percent ng inuming tubig sa Metro Manila.

Pumalo sa 78.46 meters ang water level ng La Mesa dam o mas mababa sa normal na 79.3 meters ang water level sa naturang dam.

Noong nakaraang Martes ng umaga ay bumaba sa 78.56 meters ang water level, habang noong Miyerkules naman ay 78.49 meters ang water level nito na nagpapakita ng indikasyon na araw araw ay bumababa ang water level sa La Mesa Dam.

Anya, kung ikukumpara noong nagdaang Marso 2016, mas mataas ang demand ng tubig ngayong taon dahil sa sobrang init ng panahon.

Binigyang diin ni Angeles na kapag tuluyang ninipis ang tubig sa natu­rang dam ay magkakaroon ng paghina ng  daloy ng tubig sa mga gripo ng bawat bahay sa Kamaynilaan.

Pero, kahit na humina ang suplay ng tubig ay hindi naman tuluyang mawawalan ng suplay ng tubig ang Metro Manila.

vuukle comment

WATER LEVEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with