^

Police Metro

2 bomber tiklo, 16 sugatan sa 2 pagsabog

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nasugatan ang 16 katao sa dalawang magkahiwalay na pagsabog na kung saan ay naaresto ang dalawang bomb expert na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kamakalawa ng gabi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Staff Sgt. Logen Presaldo, SSgt. Ramel Garde at  Cpl. Alvin Jimenez, pawang miyembro ng bomb disposal team; SPO2 Jasper Garcia, PO2 Gerard Martin San Pedro; PO1 Eleazar Sustiguer; Roger Bamo; Danica Ella Ballaran; Reymart Del Rosario; Saulsalito Manoy; Joseph Liba; Leo Cueva; Michael Pon; Ryan Omar Ali; Richard Pineda; at Ivy Eunice Tobias na isinugod sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod.

Ang dalawang suspek na naaresto sa isang follow-up operations ay kinilalang sina Johari Gani, nakum­piskahan ng Mk2 fragmentation grenade at Warren Gani, nakunan naman ng M67 fragmentation grenade kapwa residente ng Maguindanao.

Si Warren ay nakatalaga sa MILF Task Force Gani habang si Johari naman ay kasapi ng 106th Base Command ng MILF.

Sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi nang mangyari ang unang pagsabog sa bubungan ng rest room ng Dragon Gasoline Station sa national highway sa Brgy. Isabela ng lungsod na ito.

Nagresponde ang pinagsanib na elemento ng Explosive and Ordnance Division (EOD) team  ng pulisya at militar na kasalukuyang nagsasagawa ng post blast investigation nang sumabog  ang ikalawang bomba  na nakatanim sa compound ng nasabing gasoline station.

Bago ang pagpapasabog ay kumalat sa text messages sa Central Mindanao ang umano’y ilulunsad na pagpapasabog ng BIFF  sa mga lungsod ng Tacurong, Koronadal, Kidapawan, Davao at Cotabato bilang resbak umano sa pagkamatay  ng Sub-leader ng Abu Sayyaf na si Muammar Askali alyas Commander Abu Rahmi sa bakbakan sa Inabanga, Bohol noong Abril 11 ng taong kasalukuyan.  

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with