^

Police Metro

Mga turistang Kano pinag-iingat sa Central Visayas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nag-isyu kahapon ng travel advisory ang US Embassy sa Maynila para kanilang mamamayan para makapag-ingat sa pagtungo sa Central Visayas.

Batay sa paalala na nakapaskil sa website ng nasabing embahada, may natanggap silang impormasyon bagamat ‘unsubstantiated’ na ilang teroristang grupo ang posibleng mangidnap sa mga lalawigan ng Cebu at Bohol sa Central Visayas.

Pinaalalahanan din ng embahada ang kanilang mga mamamayan sa “Worldwide Caution” na inisyu noong Marso 7, 2017,  na nagsasaad sa banta ng terorismo at karahasan laban sa mga US citizens.

Ang mga lugar na posible sa terroristic attacks ay mga  sporting events, sinehan, palengke, mass transportation systems, mga paliparan at iba pang public venues, na madalas puntahan ng mara­ming tao, gayundin ang mga nightclubs, shopping malls, mga bus at mga kilalang restaurant.  

vuukle comment

EMBASSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with