^

Police Metro

3 bihag na Malaysian nailigtas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasagip sa operasyon ng tropa ng pamahalaan ang tatlo pang bihag na Malaysian sa kagubatan ng Sulu.

Kinilala ang tatlong nasagip na bihag na sina Zulkipli bin Ali; Mohammad Ridzuan  Bin Ismail; at Fandy Bin Bakran.

Batay sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi nang mailigtas ng mga elemento  ng Army’s 63rd Infantry Battalion (IB),Marines and Naval Intelligence and Security Group (NISG)  ang mga bihag sa bisinidad ng kagubatan ng Brgy.Jinggan, Panglima Estino, Sulu.

Nito lamang nakalipas na Huwebes  noong nakaraang linggo ay nailigtas ng mga elemento ng Joint Task Force Sulu  ang dalawang hostage na Malaysian mula sa Abu Sayyaf.

Sa kasalukuyan ay nasa 27 na lamang kabilang ang 20 dayuhan na karamihan ay mga Vietnamese at pitong Pinoy ang hawak na bihag ng mga bandido.

vuukle comment

MALAYSIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with