^

Police Metro

Boat Captain, nasagip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagumpay na nailigtas ng tropa ng mga sundalo ang isang kapitan ng tugboat na binihag ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa inilunsad na rescue operation sa Brgy. Basakan, Hajji Mohammad Ajul, Basilan nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Major Gen. Carlito Galvez Jr.,  Commander ng AFP Western Mindanao Command ang nasagip na bihag na si Aurelio Agacac.

 Sinabi ni Galvez na nasagip ng kaniyang mga tauhan si Agacac sa followup operation sa Brgy. Basakan, Hajji Mohammad Ajul. Nabatid  sa opisyal na bunga ng military pressure ay napilitan ang mga kidnappers na abandonahin ang bihag.

 Ayon pa kay Galvez ,  nasagip si Agacac  matapos naman ang pagkakarekober nitong Biyernes ng hapon ng dalawa sa mga bangkang ginamit ng  mga bandido sa pagdukot sa mga bihag.

Nitong Huwebes ng tanghali ay binihag ng mga bandido sa seajacking sa Panamian Roro vessel 9   na naglalayag sa kagaratan ng Sibago Island sa Hajji Mohammad Ajul, Basilan galing General Santos City patungong Cebu.

Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operation ng Joint Task Force Basilan upang masagip ang kasamahan ni Agacac na si Laurencio Tiro, Chief Engineer na naiwan pa sa mga kidnappers.

vuukle comment

ASG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with