^

Police Metro

Pulis Maynila patay sa heat stroke

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahilan sa ma­tinding init ng panahon sa pagsisimula ng ‘summer’ , isang aktibong miyembro ng Manila Police District (MPD) ang nasawi matapos na atakihin ng heat stroke habang naka-duty sa Lawton Police Community Precint (PCP) sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Idineklarang  dead on arrival sa Medical Center Manila (MCM) ang biktimang si PO3 Leo Marcelo, 37 anyos at tubong Kalinga,  Apayao.

Sa ulat ni SPO2 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas 2:30 ng madaling araw nang atakihin ng paninikip ng dibdib ang biktima habang nakaupo sa bench ng PCP kasama si PO1 Lorren Hope Lardizabal.

Ayon kay Lardizabal, pinayuhan niya ang biktima na magpakonsulta sa doktor.

Gayunman sa halip na magtungo sa hospital ay  bumili ito ng mineral water sa isang vendor sa labas ng kanilang himpilan.

Nakita pang nakaupo sa cooler ang biktima na umiinom ng biniling tubig hanggang sa big­lang bumagsak ito ng walang malay kung saan mabilis na sumaklolo si Lardizabal na isinakay sa mobile car ang biktima at dinala sa pagamutan pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

Nabatid na inilagak na sa punerarya ang bangkay ng biktima at wala pang kapamilya nito na kumukuha dahil nasa Kalinga, Apayao pa ang mga ito.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with