^

Police Metro

Mag-utol na suspek sa lady cop slay, niratrat

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang magkapatid na umano ay suspek sa pagpatay sa isang babaeng pulis sa Maynila ang pinagbabaril ng ri­ding in tandem criminals kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Namatay habang dinadala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jefferson Li, 34, tricycle driver,  ng 1478 Estero De San Lazaro, Sta. Cruz, Maynila dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Nasugatan naman ang kapatid nitong si Gerard Li, 24,  na tinamaan ng bala sa kanang paa.

Namatay naman nang tamaan ng ligaw na bala ang isang Magdilino Futol, 40, vendor,  ng 303 Bustos St. Sta. Cruz, Maynila.

Bago ang ambush sa magkapatid ay boluntar­yong sumuko ang mga ito sa pulisya ng malaman na sila ay suspek o “person of interest; sa pana­nambang at pagpatay kay  PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa Barbosa Police Community Precint at taga 1425 Lope De Vega St. Sta. Cruz, Maynila noong Linggo ng  gabi.

Dahil sa walang ebidensiya agad ding pinauwi ang  magkapatid at sumakay ng kanilang motorsilo habang sumakay naman ng taksi ang kanilang ina at live-in partner ni Gerard.

Habang sakay ng  kanilang motorsiklo ang  magkapatid ay sinundan ito ng riding-in-tandem saka pinagbabaril na kung saan ay tinamaan ang vendor na si Futol ng mga ligaw na bala.

Nalaglag sa motorsiklo si Jefferson at nakatakbo, subalit muli itong pinagbabaril at nadala sa ospital, subalit namatay din ito.

Nakahingi naman ng tulong si Gerard sa kalapit na police outpost at dinala sa nasabing ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril sa magkapatid.

vuukle comment

CRIMINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with