^

Police Metro

Regalong Chedeng ibinebenta ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Mercedez Benz na iniregalo kay Pangulong Rodrigo Duterte  ng isang hindi pinangalanang indibiduwal ang kanyang ibinebenta.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa paggunita ng ika-30 anibersaryo ng PDP-Laban,sinabi ng Pangulo na tinanggihan niya ang nasabing luxury car pero ipinilit ito sa kanya at iniwan sa loob ng compound ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang “Totoo eh, nagbigay sa akin Mercedes-Benz, totoo ‘yun. Punta ka sa PSG, nandiyan sa compound,” sabi ng Pangulo.

Nagmagandang loob aniya ang nagregalo sa kanya ng Mercedez-Benz pero hindi niya ito ginamit.

Sinabi pa ng Pangulo na kung sino man ang intresadong bilhin ang nasabing kotse ay maaari itong bilhin sa gobyerno dahil mas sanay siyang sumakay sa pick-up.

Mapupunta sa proyekto ng gobyerno ang mapapagbilhan sa nabanggit na kotse.

vuukle comment

CHEDENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with