^

Police Metro

US pinigilan ang China sa Scarborough

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ibinulgar ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagawang pigilan ng Estados Unidos ang pagtatangka ng China na magtayo ng mga reclamation sa Scarborough Shoal, nasa 124 nawtikal na milya ang layo sa karagatan ng Masinloc, Zambales.

“There was a plan by the Chinese in June to build, to reclaim Scarborough Shoal…but the Americans I think told the Chinese ‘don’t do it’. For some reason, the Chinese stopped,” pagsisiwalat ni Lorenzana sa mediamen.

Sinabi ni Lorenzana  na may mga barkong nagtungo sa lugar ang China na may mga kargang buhangin at iba pang materyales sa konstraksyon ang namonitor  na nagtungo sa Scarborough Shoal.

Ang pangyayari ay naganap  isang buwan matapos namang pagtibayin ng UN Permanent Arbitration Court  na ang Scarborough Shoal ay bahagi ng 200 nawtikal na milya ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas matapos namang idismis ang 9 dash line na iginigiit ng Beijing.

 Ipinunto ni Lorenzana na maging si Pangulong  Duterte ay sinabing magkakaroon ng ‘red line  kapag sinimulan ng China ang  reclamation sa Scarborough Shoal na nasa 124 nawtikal na milya lamang ang layo sa Masinloc, Zambales.

Sa kasalukuyan, sinabi ng Defense Chief  na  ang mga barko ng Chinese Coast Guard  ay nasa bisinidad ng Panatag Shoal na nasa 60 milya mula sa Masinloc.

Inihayag pa ni Lorenzana  na ang tanging benepisyo na nakuha ng administrasyong Duterte sa pakikipagusap nito kay Chinese President Xi Jin Ping ay pinapahintulutan na ngayong mangisda ng China ang mga Pinoy sa  ‘fishing ground’ ng Scarborough.

vuukle comment

SCARBOROUGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with