^

Police Metro

Dagdag-singil sa kuryente, ERC magdedesisyon na ngayon

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ngayong araw malalaman ang desisyon ng mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa  inihihirit na taas-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay ERC chairman Jose Vicente Salazar, ang naturang hiling ng Meralco ang magiging top priority nila sa gagawing pulong upang maisama na ang dagdag-singil sa kuryente sa susunod na billing.

Tiniyak naman ni Salazar na isasaalang-alang nila ang interes ng mga consumers sa gagawin nilang desisyon.

Una nang hiniling ng Meralco na magpatupad ng nasa pisong dagdag singil sa kuryente para sa buwan ng Marso, bunsod ng naganap na maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility mula Enero 28 hanggang Pebrero 16.

Upang hindi naman masyadong mabigatan ang mga consumers, ipinanukala ng Meralco na gawing staggered o paunti-unting ipatupad ang power rate hike sa magkakasunod na tatlong buwan, o simula ngayong Marso hanggang sa buwan ng Mayo.

Plano ng Meralco na makapagpatupad ng 30 sentimos na dagdag sa singil sa kuryente ngayong Marso, panibagong 30 sentimo sa Abril at ang natitirang balanse ay idadagdag na lamang sa Mayo.

vuukle comment

ERC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with