^

Police Metro

TRO makabubuti sa mga consumer-Bantay Kuryente

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaking tulong at makakabuti  sa mga consumer ang ipinalabas na desisyon ng Korte Suprema na temporary restraining order (TRO) upang mapigilan ang Department of Energy at Energy Regulatory Commission sa implementasyon ng kanilang bagong panukala tungkol sa Retail Competition and Open Access (RCOA).

Ito ang inihayag ng Bantay Kuryente at suportado nila ang desisyon ng Korte Suprema  dahil hindi lamang ang mga naghain ng petisyon ang makikinabang kundi maging ang mga consumers.

Nauna nang sinabi ni Bantay Kuryente Secretary Ge­neral Pet Climaco, na kung itutuloy ang implementasyon ng RCOA ay patataasin din nito ang presyo ng kuryente hindi lang para sa mga contestable customers kundi pati sa mga ordinaryong konsyumer.

Naninindigan din ang Bantay Kuryente na ang implementasyon ng mandatory contestability ay isang malinaw na paraan ng pagpuwersa sa mga contestable customers na kumalas sa kanilang kasalukuyang supplier.

Anya, ang pagkakaisa umano ng mga naghain ng petisyon ay nagpapakita lamang na hindi sang ayon ang ibat ibang sektor ng lipunan sa bagong panukala ng DOE at ERC.

Ang Bantay Kuryente ay mananatiling matatag at mapagmatyag upang patuloy na mapangalagaan ang kapakanan ng mga konsyumer.

Para sa mga impormasyon, katanungan, o reklamo, maaaring makipag-ugnayan sa Bantay Kuryente sa pamamagitan ng [email protected]. -

vuukle comment

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with