^

Police Metro

Aquino-Galman double murder case hiniling buksan muli

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang grupo ng non-government organization (NGO) ang umaapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahang muli ang Aquino-Galman double murder case.             

Ayon sa petition letter ng Movement for National Salvation (MNS) na nakatakdang dalhin sa Malacañang ay idinetalye ng grupo kung bakit napapanahon na para repasuhin ng gobyerno ang nasabing  kaso.

Ayon kay Retired Colonel Reynaldo Cabauatan, presidente ng MNS at isang Marcos loyalist mahigit sa 33 taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay marami pa rin sa ating mga Filipino ang naghahanap ng katotohan sa likod ng kontrabersiyang bumabalot sa Aquino-Galman double murder case.

Sinabi pa ni Cabauatan na kaliwa’t-kanan man ang naging imbestigasyon ng mga nagdaang adminis­trasyon ay hindi naman ito pinaniniwalaan ng taumbayan.

Naniwala rin ang retired colonel na importanteng mapabalik na sa bansa si  ex-Airforce Captain Felipe Valerio, dahil siya lang ang maaaring maging tulay sa mu­ling pag-imbestiga at makakapagturo sa utak ng nasabing kaso na posible umano ito dahil hanggang sa ngayon ay buhay na buhay pa din ang order of arrest  na ipinilabas ng 3rd Division ng Sandigabayan laban sa huli.

Paliwanag pa ni Cabauatan na, ironic na isipin na dalawang Aquino na ang naupo bilang presidente ng bansa, subalit ni isa sa kanila ay wala man lang naging interesado na ibigay ang katotohanan na matagal ng hinihingi ng nakararaming Filipino.

Nakikiusap ang grupo kay Pangulong Duterte na bumuo ng Truth Commission na muling mag-iim­bestiga sa Aquino-Galman double murder case dahil napapanahon na umano para itama ang kasaysayan.

vuukle comment

NGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with