^

Police Metro

Pulis opisyal nabiktima ng ‘basag-kotse’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Police Community Precinct (PCP) commander ang nabiktima ng ‘basag kotse’ gang habang nakaparada ang kanyang kotse  sa tapat ng kanilang bahay na kung saan tinangay ang mahahalagang gamit nito, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si  Police Sen. Inspector Marissa Santos, ng PCP 6 ng Valenzuela City Police at residente ng no. 2535 Fidel St., Gagalangin, Tondo.

Sa kanyang salaysay, dakong alas-10:45 ng gabi nang gisingin sila ng kapitbahay upang ipaalam na basag na ang salamin ng bintana sa kanang bahagi sa harapan ng kaniyang Honda CRV na may plakang WNR-782.

Nadiskubre niya na nawawala na ang mahahala­gang kagamitan na kinabibilangan ng kanyang Iphone 4s cellphone (P15,000), isang Michael Kors sneaker  (P11,000), isang pares ng PNP patrol shoes (P1,500), isang pares ng Nine West sandals (P2,000), mga assorted goods (P1,500), mga damit (P3,000), dalawang piraso ng .9mm magazine na may tig-15 live ammunition, at isang unit ng game boy (P2,500).

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na nakitang nasa tabi umano ng sasakyan bago ang insidente.

Inilarawan ang posibleng suspek na nasa edad na 20-30, nasa 5’9” ang taas, katamtaman ang laki ng katawan, nakasuot ng t-shirt, short at tsinelas.

vuukle comment

PCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with