^

Police Metro

Tatlong kaso isinampa ng doj kay De Lima

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinampahan ng Department of Justice ng tatlong kasong criminal sa Muntinlupa Regional Trial Court si Senator Leila de Lima kaugnay sa pagkakasangkot umano nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Si De Lima ay ina­kusahan nang paglabag sa Section 5 at Section 28 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ukol sa pagbebenta at pangangalakal ng illegal drugs at ang criminal liability ng isang government officials at mga kawani.

Ang mga kaso na natanggap ng DOJ ay mula sa Volunteers Against Crime and Corruption, National Bureau of Investigation, at sa inmate ng New Bilibid Prison (NBP) na si Jaybee Sebastian.

Magugunita na nagbigay ng testimonya si Sebastian sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at sinabi na siya ay nagbigay ng milyong piso kay De Lima noong ito pa ang kalihim ng DOJ.

Maliban kay De Lima ay kasama din sa kaso sina dating Bureau of Corrections chief Franklin Jesus Bucayu NBI Deputy Director Rafael Ragos.

Patuloy na pinag-aaralan ng Muntinlupa RTC ang pagpapalabas ng arrest warrants kay De Lima at iba pa na  kasama sa kaso.

Sinabi naman ni De Lima na ang pagsampa ng kaso sa kanya ay isang uri ng “political persecution,” at handa umano niyang labanan ito.

 

vuukle comment

DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with