^

Police Metro

30 katao huli sa cybersex den

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 30 katao ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraan ang pagsalakay na ginawa sa Barangay Old Balara sa isang apartment na ginagamit bilang cybersex den, iniulat kahapon.

Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo ­Eleazar, ang pagsalakay ay ginawa sa bisa ng isang search warrant, No. 5318 (17) na inisyu ni Hon. Presiding Judge Arthur O. Malabaguio ng RTC 93, National Capital Judicial Region, Quezon City, na may petsang February 15, 2017, para sa paglabag sa Sec 4 (Cybersex), Republic Act 10175 (The Cybercrime Prevention Act of 2012), laban kay Allan Ren Fajardo Sulit at umookupa na Kratos Office 2nd Floor Rented Apartment sa nasabing lugar.

Nag-ugat anya ang operasyon makaraang makatanggap ang QCPD ng impormasyong mula sa isang confidential informant hinggil sa nagaganap na cybersex operation sa isang apartment na nagkukunwa­ring call center sa Pablo Compound, sa kahabaan ng Commonwealth, Brgy. Old Balara.

 Dahil dito, agad na ikinasa ang pagsalakay ng mga operatiba ng QCPD Anti-cyber Crime Team (ACT) at District Special Operations Unit (DSOU) dakong alas-9:56 ng gabi kung saan nadakip ang 30 katao. Nasamsam din sa lugar ang 30 computer sets, modems, cctv monitors, recorders at cameras, 40 Smart sim cards, 80 pieces Smart Kick-start Kit (w/out sim), at iba pa.

 Si Sulit, ang may-ari ng KRATOS Online Marketing at ilan sa mga target ng search warrant, ay wala sa paligid ng isagawa ang raid.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec 4 (c) (1) ng Republic Act 10175 (The Cybercrime Prevention Act of 2012) habang ang nakumpiskang mga soft wares ay isasailalim sa digital forensic examinations para makakuha pa ng importanteng impormas­yon tulad ng transaksyon sa ‘sextortion’ ng grupo.

vuukle comment

CYBERSEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with