^

Police Metro

5-10 dayuhang terorista nasa bansa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ro­nald Dela Rosa na nasa 5-10 ang dayuhang terorista ang kanilang minomonitor na umano ay nagsasanay  o ginagawang ‘training ground’  sa terorismo ang Pilipinas.

Ang mga suspek ay hinihinalang may ugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at maliban sa nasabing  bilang na international terrorists  ay maaring may mga kasamahan pa ang mga ito na nasa Mindanao Region.

Una nang isiniwalat ng Central Mindanao Police na ang dayuhang napatay sa engkuwentro sa Maasim, Sarangani noong Linggo ay sangkot sa recruitment ng lokal na teroristang Ansar Al Khilafah Phi­lippines.

“ Parang  Sudanese national ito na bumiyahe dito sa Pilipinas na pangalan ay si Abu Naila kasama  yung kanyang asawa nakuha natin
kahapon”, ayon pa sa PNP Chief.

Sa naunang intelligence report ay lumabas na Pakistani umano ang nasawing dayuhan pero may nagsasabi ring isa itong Syrian.

Patuloy ang pagtugis ng mga otoridad laban sa mga dayuhang terorista at mga lokal na grupong banta sa seguridad na kaalyado ng mga ito.

vuukle comment

BANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with