^

Police Metro

Bahay pinasok: 4 katao tinepok

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinasok ng mga suspek na nakamotorsiklo ang isang bahay at dito ay pinagbabaril ang apat na lalaki na nasa loob nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jefferson Viri, 35; live-in partner niyang si Weena Robles, 35; isang alyas JR, nasa 25-30 taong gulang; at kapitbahay na si Michael John Louie Bonrostro, 19.

Batay sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi nang pasukin ng apat na lalaki ang bahay nina Viri sa may Package 18, Block 7, Lot 27 Brgy. 176 Bagong Silang at pagbabarilin ang apat na biktima.

Tanging ang dalawang taong gulang na anak nina Viri at Robles ang hindi pinaslang ng mga salarin makaraang marinig ang ina niya na nakikiusap na huwag idamay ang paslit.

Bigo naman ang mga tauhan ng Caloocan City Police na agad makapag­lunsad ng operasyon upang madakip ang mga salarin habang natagalan rin umano sa pagresponde at pagkordon sa lugar.

Ayon sa ina ni Bonrostro, wala umanong kinalaman sa iligal na droga ang kanyang anak. Madalas lamang umano talagang nakikikain at nakikitulog ang kanyang anak sa bahay nina Viri dahil sa kawalan ng pera ngunit pinagsabihan na niya na huwag nang magpupunta doon nang malamang na-tokhang na ang mag-asawa.

Magugunita noong Dis­yembre 28 ay pitong biktima rin ang pinatay nang pasukin ang kanilang bahay na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba ang krimen.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with