^

Police Metro

Magtiyahin tiklo sa P110-M shabu

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pang-masa
Magtiyahin tiklo sa P110-M shabu
Iprinisinta sa media nina PNP Chief Director General Ronald dela Rosa at NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang magtiyahin na nahulihan ng 22 kilo ng shabu sa isang buy bust operation sa Guadalupe, Makati City kahapon.
Boy Santos

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga pulis ang isang magtiyahin sa isinagawang buy bust operation at nakumpiska sa kanila ang nasa 22 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga ng P110 milyon kahapon ng umaga sa Guadalupe, Makati City.

Ang mga nasakoteng suspect ay kinilalang sina Maria Rosario Echaluce, 38; at pamangkin nitong Angelo Echaluce,19; pawang mga residente ng #0377 Cervo Compound, Brgy. Bilibiran, Binangonan, Rizal.

Bago naaresto ang magtiyahin dakong alas-8:30 ng umaga sa  bisinidad ng ABC Building, Guadalupe, Makati City ay  galing  ang mga ito sa Muntinlupa City at bumaba sa nasabing lugar para ideliber ang isang kilong shabu   sa halagang P1-M sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Inaresto ang mga ito  habang iniaabot ang 1-M halaga ng droga at nakuha ang karagdagan pang 21 kilo ng shabu sa dala nilang bagahe.

 Sinabi ni Dela Rosa na ang mastermind ng nasabing sindikato ay  isang Chinese national na nakabase sa Hong Kong.

Inihayag ni Dela Rosa na ang suspek na si Ma. Rosario ay may live-in partner na nakilalang si Hilario Labadero na kasalukuyang nakakulong sa NBP  na may kasamahang inmate na drug lord sa piitan na siya namang may kontak sa supplier ng mga itong Chinese drug lord mula sa Hong Kong.

Naniniwala ang mga opis­yal na malaking sindikato ng droga ang kinabibilangan ng magtiyahin at kanilang tutugisin ang Chinese drug lord na kontak ng mga ito.

Aalamin din ng PNP  ang posibleng koneksiyon ni Labadero  sa drug lord na si Franz Sabalones ng Cebu  na una nang sumuko sa Camp Crame noong Agosto.

vuukle comment

MAKATI CITY

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with