^

Police Metro

Trader tiklo sa marijuana

LIFE'S ESSENCE - Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang negosyante matapos itong mahuli ng mga operatiba ng pulisya sa aktong nagbebenta ng marijuana sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang Cresanto “Chris” Dumacas, nasa hustong gulang, nakatira sa 419 Dama de Noche St., Greenheights Subd. Bgry. Mayamot, Antipolo City.

Bandang alas-9:30 ng gabi noong madakip ang suspek  sa loob ng isang kilalang food chain sa Bayan-bayanan Ave. Concepcion Uno, Marikina City na aktong nagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana .

Ang suspek ay dinakip habang iniaabot ang P1,500 halaga ng marijuana sa poseur buyer ng pulisya.

Ayon kay Sr. Supt. Lorenzo Holanday, hepe ng Marikina police, noong madakip nila ang suspek ay pilit itong pinaamin kung saan niya kinukuha ang kanyang ibinebentang marijuana hanggang aminin nito na sariling tanim niya sa Antipolo City ang kanyang produkto.

vuukle comment

MARIKINA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with