^

Police Metro

4 tinedyer itinumba

Joy Cantos - Pang-masa
4 tinedyer itinumba
Aiza Seguerra introduces Pug Porky to Karen Pamintuan and Philippine Animal Welfare Society executive director Anna Cabrera.

MANILA, Philippines - Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng apat na tinedyer kabilang ang isang dalagita matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga salarin sa Ormoc City, Leyte kahapon ng umaga.

Isa lamang sa mga biktima ay nakilalang si Jason Carillo, 16, naninirahan sa Brgy. San Jose ng lungsod.

Habang ang babaeng biktima ay may tattoo naman na marking “Jeanne “ sa kaniyang kanang kamay.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang mabulaga ang mga residente sa pagkakatagpo sa apat na biktima sa  Brgy. Sumangga at Brgy. Salvacion ng lungsod na ito.

Ang mga bangkay ay nakagapos ang mga kamay, nilagyan ng masking tape sa mukha at may mga tama ng bala sa ulo, leeg at likod.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang mga biktima ay miyembro umano ng Salisi gang na nambibiktima ng mga pasahero sa bus terminals.

Narekober naman ng Scene of the Crime Scene (SOCO) team operatives ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

PAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with