^

Police Metro

Helicopter bumagsak: 2 piloto sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang piloto ang nasugatan matapos na aksidenteng bumagsak ang helicopter na pinalilipad ng mga ito sa isang bakanteng lote sa isang subdibisyon sa bayan ng Binalonan, Pangasinan nitong Biyernes.

Sa ulat ng Pangasinan Police, kinilala ang mga biktima na sina Lovie Ibarra, piloto at ang flying master nitong si Captain Dante delos Rinos; pawang isinugod sa Sacred Heart Hospital sa Urdaneta City.

Bandang alas-9 ng umaga nang mangyari ang pagbagsak ng Sikorsky helicopter, isang 2 seater aircraft na may tail number RP-C337 sa bakanteng lote sa Brgy. Canarvacan, Binalonan ng lalawigang ito.

Sa inisyal na im­bestigasyon, nagloko ang makina ng helicopter bunsod upang mahirapan ang piloto na makontrol ito hanggang sa bumagsak.

Nabatid na bahagyang tumama ang rotor blade ng Sikorsky sa bubungan ng isang bahay sa lugar  at mabuti na lamang na walang nasugatan sa insidente. Ang kasong ito ay iniimbestigahan na.

vuukle comment

PRIVATE SCHOOLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with