^

Police Metro

Police Scalawags, wawalisin ko! - Bato

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wawalisin ni incoming Philippine National Police (PNP) Chief P/Chief Supt. Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga police scalawags na walang delicadeza na ayaw pang umalis sa serbisyo gayung nahaharap sa iba’t ibang kaso.

Ibinulgar ni Dela Rosa, maraming mga opisyal sa PNP ang nahaharap sa  samut-saring kaso ng paglabag sa batas na isinampa sa National Police Commission (NAPOLCOM) ay patuloy na nanatili sa serbisyo na kapag iniutos ng PNP na idismis sila sa serbisyo ay umaapela at nagla­lagay sa NAPOLCOM upang manatili o maibalik sa PNP.

“They are just laughing at us…when they return to the service, they go back to their old ways doing illegal activities”, pagbubulgar pa ni Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mahinto na ang nasabing negatibong siklo.

Sinabi pa ni Dela Rosa na handa siyang bumaba sa puwesto kapag sa loob ng anim na buwan ay hindi niya napababa ang kriminalidad at problema ng illegal na droga sa bansa na siyang ipinangako ni incoming President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, hindi siya tulad ng ibang opisyal ng pamahalaan na kapit tuko sa puwesto dahil mayroon siyang delicadeza at handang bumaba sa puwesto kapag hindi natupad ang mis­yon.

vuukle comment

BREAST CANCER AWARENESS

CANCER

FASHION SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with