^

Police Metro

Jeep swak sa bangin: 1 todas, 2 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang dalawang iba pa matapos ang sinasakyan nilang jeep ay nahulog sa bangin sa kahabaan ng highway ng Goldfield, Brgy.Poblacion, Itogon, Benguet, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Lander Sukao, nasa hustong gulang, minero. Habang nilalapatan ang mga nasugatang sina Manuel Comising, 57, at Roy Kiange, 26,pawang ng Itogon, Benguet. Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-6:40 ng umaga ay binabaybay ng Willis type jeep na minamaneho ni Comising ang nasabing highway at nang ito ay liliko ay iniwasan nito ang isang malaking bato sa kanang bahagi ng highway.

Namiskalkula umano ni Comising ang pagmamaniobra sa sasakyan bunsod upang mahulog ito sa bangin sa tabi ng highway.

 

vuukle comment

CALOOCAN

CARETAKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with