^

Police Metro

Binatilyo nalunod sa ilog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 13-anyos na binatilyo ang nasawi matapos na tangayin at malunod habang naliligo sa ilog noong Miyerkules sa Malabon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Mark John Michael Aries Ruiz, ng Block 6, Lot 21, Magsaysay Extension, Brgy. San Agustin, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, unang naiulat na nawawala ang biktima nitong nakaraang Miyerkules matapos na maligo kasama ang mga barkada.  

Agad namang humingi ng saklolo ang mga magulang ng biktima sa mga opisyal ng barangay ngunit hindi na makita ang biktima sa kabila ng masusing paghahanap.

Kahapon ng alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng kapitbahay na si Marvin Nuñez ang bangkay ni Ruiz sa gilid ng Tonsuya River sa may Magsaysay Extension sa Brgy. San Agustin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with