^

Police Metro

2 mister nagbaril sa sarili

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang mister ang nagbaril sa sarili sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City at Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Hyper Jerome Isidro,  21, ng no. 182 T. Samson Road, Brgy. 168 Deparo, Caloocan City matapos magbaril sa harap ng kanyang live-in-partner kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, bago nangyari ang pagbaril ng biktima sa sarili dakong alas-3:15 ng madaling araw ay nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang lover na si Jenny Mae Briones dahil sa wala umanong kakayahan ang una na bigyan siya ng magandang buhay kaya’t makikipaghiwalay na lamang ito.

Nagmakaawa umano ang biktima kay Briones na huwag siyang iwanan, subalit buo na ang desisyon ng babae kaya’t kinuha ng una ang baril at itinutok sa dibdib at ipinutok.

Hindi naman makayanan ng 70-anyos na si Edward Gorospe ang sakit na cancer sa lalamunan kaya’t nagbaril din ito sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa Block 28, Lot 18, Ascencion Road, Lagro Subdivision, Barangay Lagro, Quezon City kahapon.

Sa imbestigasyon ni PO2 Virgilio Mendoza, na bago ang insidente ay matagal nang pinagtitiisan ng biktima ang sakit na cancer sa lalamunan kaya’t tinapos na nito ang buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with