^

Police Metro

Davao del Sur, Surigao del Sur niyanig ng lindol

Angie de la Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Niyanig ng magkakasunod na lindol ang Davao del Sur at Surigao del Sur  nitong Sabado ng tanghali.

Batay sa latest monitoring ng Philippine Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs), naitala ang 2.0 magnitude na lindol at ang sentro nito ay nasa may 014 kilometro hilagang Silangan ng Santa Cruz Davao del Sur dakong alas-12:35 ng tanghali. Ang lalim ng lupa sa naganap na lindol ay may 010 kilometro.  

Bago ito, isang pagyanig din ang naitala ng Phivolcs na may lakas na 2.1 magnitude ganap na alas 10:06 kahapon ng  umaga at ang sentro nito ay nasa 032 kilometro hilagang silangan ng Lingig Surigao del Sur.

Ang lindol ay may lalim ng lupa na 0.36 kilometro.

Ayon sa Phivolcs pawang tectonic ang ugat ng naturang mga lindol.

Wala namang naita­lang napinsala ang natu­rang lindol at wala ring aftershocks.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with