^

Police Metro

25 kabataan dinakip sa curfew

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinaghuhuli ng mga barangay officials ang nasa 25 kabataang gumagala sa dis-oras ng gabi batay sa ordinansa ng curfew hours sa Quezon City.

Ang mga kabataan na pawang nasa edad na 15 hanggang sa 17 ay pinag­huhuli ng mga opisyales ng barangay E. Rodriguez Sr. dakong alas-2:00 ng madaling araw.
Ilan sa mga hinuli ay nakitang nakaistambay at pagala-gala sa lansangan, habang ang ilan naman ay nagbababad sa mga computers shop.

Ayon sa Barangay’s Peace and Security Office (BPSO), ang pagdakip sa mga kabataan ay bunga na rin ng matagal nang batas sa curfew na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan.

Base sa ordinansa na may bilang na No. 2301 o ang QC Discipline Hours para sa mga minors, ang mga residente na nasa edad na 18 ay ipinagbabawal na gumala sa pampublikong lugar mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw at sa mga mahuhuli sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng P2,000 o kaya ay maglaan ng community service sa loob ng 48 oras.

Para sa ikalawang pag­labag, ang mga magulang ng mga nahuli sa curfew ay papapatawan ng multa ng halagang P3,000 o ang 72-oras na community service.

Habang sa ikatlong paglabag ay mga magulang ay pagmumultahin ng halagang P5,000 o pagkakapiit ng anim na buwan.

Ang mga menor-de- edad na lumabag ng higit pa sa tatlong ulit ay da­dalhin na sa pangangalaga ng  Social Worker ng lungsod.

vuukle comment

CAVITE

BACOOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with