^

Police Metro

Madugong rali: 2 magsasaka patay, 40 sugatan

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa madugo ang pagbuwag ng mga pulisya sa rali ng magsasaka na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng 40 iba pa sa  national highway ng Kidapawan, partikular sa hangganan ng Kidapawan City at sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay Norma Ca­puyan, Chairman ng Sandawa Lumadnong Pa­naghiusa-Cotabato, Chairman ng organisasyon ng mga Lumad o katutubo na isa nilang la­laking kasama ang nasawi.

Kabilang sa 40 nasuga­tan ay sina Roger Imuy, 48; Darwin Madiao, 18; Leo Deyong, 28; Mario Ansabo, 47; Roland Jampas, 26; Alce Awi, 35; Ejay Salaber, 54; Ricky Maat, 23; Rodolfo Tano.

Bago ito ay  nagbarikada ang mga Lumad sa tanggapan ng National Food Authority (NFA) hanggang maging ang Cotabato-Davao highway sa lungsod na nasa ikatlong araw nang naparalisa ang biyahe ng mga behikulo at kalakal.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, sinabi nito na inaalam na nila ang lahat ng mga kaganapan kung bakit humantong sa madugong insidente ang pagbuwag sa barikada ng mga katutubong Lumad sa Cotabato-Davao highway ng lungsod.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, nabatid na nag-ugat ang kaguluhan matapos na kuyugin ng mga raliyista ang dalawang pulis na pinagpupukpok sa ulo kabilang dito ay isang PO1 Juntalan habang pinagbabato rin umano ng mga galit na katutubo ang dispersal team bandang alas-10:30 ng umaga na siyang pinag-ugatan ng gulo.

Dito ay nagkaroon ng putukan na ikinasawi ng isang raliyista na kabilang sa kumukuyog sa dispersal team habang nasa 40 pa ang nasugatan sa mga ito.

Sinasabing hinakot umano ng mga lider militante ang nasa 5,000 mga katutubong Lumad na pi­nangakuan ng tig-iisang kaban ng bigas bunga na rin ng nararanasang tagtu­yot sa lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with