^

Police Metro

Condo unit sinunog ng magnanakaw, guro nasawi sa usok

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi sa suffocation ang isang babaing guro habang dalawa ang nasugatan matapos na sunugin ng dalawang lalaki ang isang condo unit na kanilang ninakawan kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Ang nasawi ay kinilalang si Rolina Aclon, 34, nakatira sa Unit 503, Berlin Building Kassel Residences   na matatagpuan sa Barangay Moonwalk.

Habang nasugatan sina SPO4 Charlie Bayoca na na-suffocate din at ang guwardyang si Alan Jun Daradar na binaril sa tiyan ng dalawang hindi pa kilalang suspek.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay pinasok at ninakawan ng dalawang suspek ang Unit 403 na pag-aari ng isang Rowena Garcia at pagkatapos ay kanila itong sinunog bago tumakas.

Habang papatakas ay nakita ang dalawang suspek ng guwardyang si Daradar kaya’t binaril ito ng una.

Nagreport sa pulisya ang kasamang sekyu na si Lemuel Roy Sambayon dahil sa hindi pa nakakalabas ang dalawang suspek.

Nang dumating ang mga pulis ay inutusan ang lahat ng mga residente na lumabas sa kanilang unit bago hinagisan ng tear gas.

Nabigo ang mga otoridad na mahanap ang dalawang suspek sa paggalugad sa gusali ng mahigit 11 oras at dito ay nadiskubre ang walang malay na si Aclon kaya’t dinala sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

vuukle comment

ACLON

ALAN JUN DARADAR

ANG

ATILDE

BARANGAY MOONWALK

BERLIN BUILDING KASSEL RESIDENCES

CHARLIE BAYOCA

HABANG

LEMUEL ROY SAMBAYON

ROLINA ACLON

ROWENA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with