Kandidatura ni Binay suportado ng kampo ni Erap
MANILA, Philippines – Matapos bawiin ang kanyang kandidatura bilang tatakbong presidente sa 2016 elections ay nagpahayag naman ng suporta si Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) standard-bearer Romel Mendoza sa kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Jejomar Binay.
Si Mendoza na secretary general ng multi-sectoral group ng Kalipunan ng Masang Pilipino (Kampil), na kaalyado ng PMP ay nagbigay ng suporta kay Binay na standard bearer ng United Nationalist Alliance (UNA).
Kabilang sana si Mendoza sa mga presidentiables kasama sina Binay, Liberal Party standard-bearer Manuel Roxas II, Sen. Grace Poe, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at OFW Family party-list Rep. Roy Señeres.
Si Mendoza ang naghain ng certificate of candidacy sa pagkapangulo bilang reserba sakaling tumakbo bilang pangulo muli si Estrada.
Nagpasalamat naman si Mendoza sa Commission on Elections sa pagkilala sa kanyang kandidatura base sa kanyang kuwalipikasyon.
Naniniwala si Mendoza na may sapat na kakayahan si Binay at hindi umano maikakaila ang professional track record nito na pamunuan ang bansa.
Sinabi naman ni Estrada, hindi niya kilala si Mendoza at hindi niya alam na tumakbo ito sa pagkapangulo at nalaman lang nito na si Senador Jinggoy Estrada ang umano’y naging kausap nito sakaling magdesisyon siya na tumakbo sa pagkapangulo.
- Latest