^

Police Metro

Biker iniwasan ang bato nabangga ng bus, todas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniwasan ng isang biker ang isang batong nakaharang sa kanyang daraanan, subalit hindi nito napansin ang mabilis na pagdating ng isang bus at nasalpok ito kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Nasawi noon din ang biktimang si Bienvenido Brabante, nasa hustong gulang ng Purok 1, East Bank Road, Floodwater, Barangay Sta. Lucia,
Pasig City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-5:00 ng hapon sa Ortigas A­venue, harapan ng Sto. Rosario Church sa Barangay Rosario sa lungsod ay minamaneho ng biktima ang kanyang bisikleta at binabaybay ang kahabaan ng Ortigas Avenue nang iwasan nito ang isang bato sa kalsada na siya namang pagdating ng Daewoo passenger bus na minamaneho ni Sonny Boy Espiritu at nahagip ito.

Ang biktima ay pumailalim at nasagasaan ng gulong na naging dahilan ng  kanyang kamatayan.

Sumuko ang driver at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY ROSARIO

BARANGAY STA

BIENVENIDO BRABANTE

EAST BANK ROAD

ORTIGAS A

ORTIGAS AVENUE

PASIG CITY

ROSARIO CHURCH

SONNY BOY ESPIRITU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with