^

Police Metro

Aplikante inakalang magnanakaw dedo sa sekyu

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binaril ng isang sekyu ang isang binata na nag-aaplay ng trabaho matapos niyang mapagkamalan na magnanakaw kahapon sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong  tama ng bala ng shotgun sa likod ng ulo ng biktima na si Joshua Valdez, 18, ng Paso De Blas ng nasabing lungsod.Habang ang suspek na tumakas ay kinilalang si Ramon Gabitan, 25.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:30 ng hapon sa Valdez Compound, Paso De Blas ay mag-aaplay umano ng trabaho ang biktima sa nasabing lugar nang sitahin ito ng suspek sabay kinasahan ng hawak na shotgun na naging dahilan upang mapatakbo sa labis na takot si Valdez at pinutukan ito ng suspek.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek habang dinala ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay.

vuukle comment

ANG

BATAY

BINARIL

HABANG

JOSHUA VALDEZ

NANG

PASO DE BLAS

RAMON GABITAN

VALDEZ COMPOUND

VALENZUELA CITY

VALENZUELA MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with