^

Police Metro

3 holdaper na naka-tricycle, timbog sa pulis na nasalpok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lusot na sana sa ginawang panghoholdap ng tatlong lalaki na tumatakas gamit ang tricycle nang masalpok nila ang motorsiklo ng isang pulis kamakalawa ng gabi sa Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Raymundo Pusong, 28;Mark Anthony Arnaldo, 23; at Jeffrey Lim, 27, kapwa mga binata, at residente ng no. 1302 Torres Bugallon St., Tondo.

Bago ito, dakong alas-11:30 ng gabi nang mangholdap ang mga suspek sa mga naglalakad na tao sa Laong-laan St., kanto ng Lacson Avenue tapat ng Bank of the Philippine Islands.

Tinutukan ng patalim ang mga biktima at pinagkukuha ang kanilang cellphone may kabuuang halaga na P25,000.

Nang makita ng security guard na si Michael Dequina ng Forbes Dormitory ay hinabol ang mga ito, subalit nakasakay kaagad sa nakaparada nilang tricycle.

Sa pagmamadali ay nabangga nila ang kasabayang tumatahak sa Lacson Avenue ang  motorsiklo na minamaneho ni PO1 Kenneth Campos na noon ay nakasibilyan.

Agad silang sinita at inaresto sa tulong ni SG Dequina at itinurn-over sa UBA Police Community Precinct.

vuukle comment

ANG

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

FORBES DORMITORY

JEFFREY LIM

KENNETH CAMPOS

LACSON AVENUE

MARK ANTHONY ARNALDO

MICHAEL DEQUINA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

RAYMUNDO PUSONG

TORRES BUGALLON ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with