^

Police Metro

Taxi driver na naging viral ang video sa pang-aaway sa pasahero, sumuko

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Personal na nagtungo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taxi driver na sinamahan ng kanyang operator na viral ngayon sa social media matapos makuhanan ng video habang inaaway ang pasahero niyang babae.

Ang driver na nakilalang si Roger Catipay ng Santa Ana, Manila ay isinuko ng kaniyang operator na si Ariel Gamboa ng AFG taxi.

Ito ay matapos na kumalat na sa facebook ang video ni Catipay na ipinost ng pasaherong si Joanna Garcia kung saan makikitang inaaway siya ng hindi ito pumayag na magbayad ng higit sa halagang pumatak sa metro.

Sa nasabing video, minura ng driver si Garcia at tila ambang sasaktan pa nito.

Sa pagharap sa LTFRB, tumanggi pa si Catipay na magpasailalim sa drug test kahit mismong si LTFRB Chairman Winston Ginez ang humiling nito sa kaniya.

Ayon sa driver, kukuha muna siya ng abogado bago sumailalim sa drug test.

Humihingi ng pasensya si Catipay sa biktimang si Garcia, pero nagdesisyon ang huli na kasuhan ang driver kayat ito ay dinala na sa QC Police Karingal Headquarters para pormal na ireklamo sa pagiging arogante nito.

vuukle comment

ANG

ARIEL GAMBOA

AYON

CATIPAY

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

GARCIA

JOANNA GARCIA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

POLICE KARINGAL HEADQUARTERS

ROGER CATIPAY

SANTA ANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with