^

Police Metro

Pasyente ng ambulansiya todas sa salpok ng taxi

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na nakara­ting ng buhay sa ospital ang pasyente na lulan ng ambulansiya matapos masalpok ng isang taxi kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ang biktima na tu­lu­yan nang nasawi ay kinilalang si Robes Domingo Jr., 48, ng San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.

Nasugatan naman ang mga pasahero na sina Alvin Mesa, 47 at Alyssa Mae Mesa, 14,  kapwa residente ng #4703 Rose St, Goodwill Subdivision, Barangay Tambo, Parañaque City na dinala sa  Manila Adventist Hospital.

Nasa kustodya ng pulisya ang taxi driver na si Henry George Agustin-Tolentino, 49, may-asawa, ng  #37-A Luna St., J. P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City.

Bago nangyari ang aksidente dakong alas-7:15 ng umaga sa intersection ng J.W. Diokno Boulevard  at Coral Way ng lungsod ay minamaneho ni Jonathan Panem, 27, ang kanyang ambulansiya at sakay si Domingo para dalhin sa San Juan De Dios Hospital dahil sa kritikal nitong kalagayan sa sakit.

Habang binabagtas ang lugar ay siya namang pagsulpot ng taxi (UVU-701) ni Tolentino at hindi na nakapagpreno at nasalpok ang ambulansiya.

Sa lakas nang pagka­kasalpok ay nagtamo ng matinding pinsala si Domingo at hindi na ito nakarating ng buhay sa naturang ospital. Habang nasugatan ang sakay na sina Alvin at Alyssa Mae.

vuukle comment

A LUNA ST.

ACIRC

ALVIN MESA

ALYSSA MAE

ALYSSA MAE MESA

ANG

BARANGAY TAMBO

CORAL WAY

DIOKNO BOULEVARD

DOMINGO

GOODWILL SUBDIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with