^

Police Metro

Naligo sa dagat matapos ang Christmas party... 5 mag-aaral nalunod

Joy Cantos, Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malungkot ang magiging pagsalubong sa darating na Kapaskuhan ng pamilya ng limang batang nalunod matapos na nagkayaang maligo sa dagat matapos ang kanilang Christmas party sa eskwelahan naganap sa lalawigan ng Albay.

Kinilala ni P/Chief Inspector Dennis Balla, Tiwi Chief of Police ang mga natagpuang bangkay nina Anthony Colasi,10; Hasley Nuñez, 14; Mac Rey Rayala,11; at Louie Brucales, 9. Habang hindi pa matagpuan ang katawan ni Edcel Colasi,11, pawang mga mag-aaral ng Cararayan-Naga Ele­mentary School.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, ang mga biktima ay kagagaling lamang sa Christmas party ng kanilang eskuwela­han dakong alas-4:00 ng hapon nang magkaya­yaan umanong maligo sa dagat.

Sa kalagitnaan ng pag­lalangoy ay napagawi sa malalim na bahagi ng dagat ang mga bata na sinaklolohan naman ng kanilang mga kasamahan.

Gayunman, pare-parehong nalunod ang mga biktima matapos na lamunin ng dambuhalang alon.

Narekober naman ng nagrespondeng search and retrieval team ang bangkay ng apat sa mga biktima dakong alas- 7:00 ng gabi ilang oras matapos ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTHONY COLASI

CARARAYAN-NAGA ELE

CHIEF INSPECTOR DENNIS BALLA

EDCEL COLASI

HASLEY NU

LOUIE BRUCALES

MAC REY RAYALA

MGA

POLICE REGIONAL OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with