^

Police Metro

Nataranta sa sunog, tumalon sa ilog nalunod

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalunod ang isang 30-anyos na lalaki na si Wilbert Zilahi matapos na tumalon sa ilog nang ito ay mataranta habang nilalamon ng apoy ang kanyang bahay naganap kamakalawa sa Road 1, Westline Lingahan, Valenzuela City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi  nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang  Ruel Rebarter sa  Road 1, Barangay Malanday.

Sa salaysay ni  Rebarter sa otoridad, isang bayaw niya na hindi nito binanggit ang pangalan  ang nagsunog ng mga basura sa loob ng bahay nito para patayin ang mga nagkalat na surot.

Biglang lumaki ang apoy hanggang sa kumalat ito at tinupok ang nasa 200 kabahayan kabilang ang bahay ni Zilahi na gawa sa kahoy.

Nataranta ang biktima kaya’t tumalon ito sa ilog na malapit sa kanyang bahay at alas-5:00 ng umaga nang ideklara na kontrolado na ang sunog.

Pagsapit ng alas-6:00 ng umaga nang makuha ang bangkay ni Zilahi ng kanyang mga kapitbahay.

vuukle comment

ANG

BARANGAY MALANDAY

BATAY

BIGLANG

NALUNOD

NATARANTA

RUEL REBARTER

VALENZUELA CITY

WESTLINE LINGAHAN

WILBERT ZILAHI

ZILAHI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with