^

Police Metro

Mag-ina, pamangkin nalason sa chocolate milk

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang mag-ina ang naratay sa pagamutan matapos na malason sa ininom na chocolate drink sa Culianan District, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mag-ina na sina Milaminda Avilla, 46; Christian Avilla, 2; at ang 4-anyos na pamangking si Christ Arenz Pabraquel.

Sa  ulat ng Zamboanga City PNP, dakong alas-2: 30 ng hapon nang bilhin ang Chocolate milk sa Mercedes Shell Mini Mart na ininom ng mga biktima.

Gayon pa man, ilang oras matapos na mainom ang chocolate milk ay nagsimulang makaranas ng matinding pananakit ng tiyan ang mga biktima.

Dahilan sa grabeng pananakit ng ulo at tiyan, pagsusuka ay agad na isinugod sa Sanitarium Hospital ang mga biktima.

Pinaniniwalaang expired na ang nainom na chocolate milk ng mga biktima na may kakaibang lasa, ayon sa mga biktima.

Nakipagkoordinasyon naman ang himpilan ng pulisya sa city health office na isinumite ang sample ng chocolate milk para suriin.

vuukle comment

ANG

CHRIST ARENZ PABRAQUEL

CHRISTIAN AVILLA

CULIANAN DISTRICT

DAHILAN

GAYON

KINILALA

MERCEDES SHELL MINI MART

MILAMINDA AVILLA

SANITARIUM HOSPITAL

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with