^

Police Metro

Nanay ni Pastillas girl pinatay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa ulo ang nanay ni Pastillas Girl habang kumakain sa isang ihaw-ihaw ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Chinese General Hospital ay kinilalang Maria Teresa Hernandez, 43, hiwalay sa asawa at kagawad ng Brgy. 131 Barrio San Jose sa naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi ay kumakain ng ihaw-ihaw ang biktima sa kanto ng Tagaytay at Cabatuan Street sa naturang barangay nang lapitan buhat sa likuran ng nag-iisang salarin at barilin ng malapitan sa ulo.

Tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo na inilarawan ng mga saksi na may kapayatan, nakasuot ng ball cap, jacket at may taas na 5’4”.

Tatlong anggulo ang tinitignan sa krimen ng pulisya na ang una ang posibleng may kinalaman sa trabaho bilang opisyal ng barangay, negosyo at love triangle.

Inilagay naman bilang “person of interest” ang hindi munang pinangalanan na nobyo ng biktima na ayon sa mga kaanak ng biktima na matagal na itong hiwalay sa mister nito at may karelasyon na seaman na plano ring kalasan dahil sa umano’y pagiging seloso.

May ilang buwan nang nakakatanggap ng death threats ang biktima kabilang ang hindi na umano patatagalin ang buhay nito bago mag-Pasko na hindi naman nito pinapansin.

Nanawagan naman ng hustisya si Pastillas Girl o Angelica Hernandez sa totoong buhay para sa kanyang ina.

Rerebisahin ng Caloocan City Police ang kuha ng closed circuit television sa lugar sa pag-asa na matukoy ang suspek.

 

vuukle comment

ANG

ANGELICA HERNANDEZ

BARRIO SAN JOSE

BATAY

BRGY

CABATUAN STREET

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHINESE GENERAL HOSPITAL

MARIA TERESA HERNANDEZ

PASTILLAS GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with