^

Police Metro

Shotgun isinubo, ipinutok ng sekyu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natagpuang patay sa loob ng banyo ng isang gasoline station ang isang security guard nang magbaril ito sa bibig kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang nasawi ay nakilalang si Judy Boy Picaso, 27 ng Sarmiento Compound, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw ay gagamit ng banyo ang isang Bong Samsona sa nasabing gas station na matatagpuan sa  kanto ng Congressional Avenue, at Visayas Avenue nang mabigla ito sa pagbukas ng pinto ay gumulantang ang duguang bangkay ng biktima.

Agad nitong ipinagbigay alam sa barangay na siya namang tumawag ng otoridad para sa pagsisiyasat.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) narekober sa tabi ng biktima ang isang armscor shotgun na may isang bala at isang basyo na hinala ng pulisya na isinubo ang baril at ipinutok kaya’t sumabog ang likurang bahagi ng ulo nito.

Napag-alaman ng pulisya na ang biktima ay iniwan ng kanyang live in partner na posibleng dahilan nang pagpapakamatay nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BONG SAMSONA

CONGRESSIONAL AVENUE

JUDY BOY PICASO

PASONG TAMO

QUEZON CITY

SARMIENTO COMPOUND

SCENE OF THE CRIME OPE

VISAYAS AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with