^

Police Metro

Police woman hinipuan ng lolo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang lalaking driver matapos nitong hipuan ang ari ng isang babaeng pulis na nagsasagawa ng security operation sa terminal ng bus sa Baguio City, kamakalawa.

Ang suspek na kinasuhan ng acts of lasciviousness at unjust vexation ay kinilalang si Danilo Reyes Santos, 63, may-asawa, tubong Aurora province at driver ng Genesis Bus Transport Inc.

Ipinagharap ang suspek ng reklamo ng biktimang parak na may ranggong SPO1 na miyembro ng City Public Safety  Company (CPSC)  ng Baguio City Police Office.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa bisinidad ng Dagupan Bus Terminal na matatagpuan sa Gov. Pack Road ng lungsod ay kasalukuyang nagsasagawa ng paneling at security patrol ang mga miyembro ng  CPSC na kinabibila­ngan ng biktima sa terminal nang bigla na lamang hipuin ng suspek ang ari ng babaeng pulis.

Agad namang inaresto ng mga kasamahang pulis ng biktimang SPO1 ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Baguio City Police.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGSAK

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY POLICE

BAGUIO CITY POLICE OFFICE

CITY PUBLIC SAFETY

DAGUPAN BUS TERMINAL

DANILO REYES SANTOS

GENESIS BUS TRANSPORT INC

PACK ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with