^

Police Metro

Nakipagkita sa kabit... unfaithful husband patay sa viagra

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 49-anyos na lalaki matapos na ito ay atakehin sa puso dahil sa pag-iinom umano ng viagra nang makipagtalik sa kanyang kabit na naganap sa isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Cecilio Javier, may-asawa, residente ng Manghinao, Bauan, Batangas, sales agent ng HBR Industrial Crane Contractor/Rental services bunsod ng cardiac arrest.

Sa salaysay ng kare­lasyon ng biktima na itinago sa pangalang Magdalena,  22, na sila ng biktima ay nag check-in sa Paradis Hotel, sa Sta. Cruz, Maynila bandang ala-1:00 ng hapon nitong Nobyembre 11 (Miyerkules) at bandang alas-3:30 ay nagising sila sa wake-up call ng staff ng hotel upang magtanong kung mag-e-extend sila ng oras nang biglang magsabi ang una sa kaniya na nahihilo ito.

Natumba ang biktima kaya humingi ng tulong si Magdalena sa staff ng hotel na nagsugod sa pagamutan.

Ayon kay Magdalena, na sila ng biktima ay matagal nang may relas­yon at nagbunga ang kanilang bawal na pag-ibig ng isang anak na 1 taon gulang na.

Idinagdag pa ni Magdalena na 17-anyos pa lamang siya nang makarelasyon ang biktima kahit na alam naman niya na pamilyado ito at may tatlong anak sa tunay na asawa.

Idinagdag pa ni Magdalena na may maintenance na mga gamot ang biktima at alam niya na mataas ang blood sugar nito at high blood, subalit may itinatago umanong gamot sa kaniya na natuklasan niya na hindi ordinaryo.

Hindi umano niya mabasa ang gamot na ininom nito dahil sa Chinese cha­racter ang nakasulat at nalaman lang niya sa security guard ng hotel na iyon ay sex stamina o Viagra.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BATANGAS

CECILIO JAVIER

CRUZ

IDINAGDAG

INDUSTRIAL CRANE CONTRACTOR

MAGDALENA

MAYNILA

PARADIS HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with