^

Police Metro

Napoles at Reyes lilitisin na sa Enero

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makaraang isagawa ng Sandiganbayan ang pre-trial hearing sa kasong plunder nina Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile at Janet Lim Napoles nang maisapinal na ng magkabilang panig ang kanilang mga ebe­densiya kaya itinakda na ang gagawing paglilitis simula Enero 13, 2016.

Sa panig ng prosekus­yon ay nagsabing takdang maiprisinta sa trial proper ang 65 saksi na kinabi­bilangan nina pork scam whistleblower Benhur Luy gayundin ni  Sen. Alan Peter Cayetano, Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, at mga opisyales ng  Department of Justice (DOJ).

Ayon sa depensa, magte-testify si Reyes kaugnay ng kaso gayundin ang mga tauhan at representatives ng Senado.

Tatlong beses kada linggo ang paglilitis  sa loob ng pitong buwan ng 2016.

Inabisuhan din ng graft court ang magkabilang panig na tapusin muna ang testimonya ng isang saksi sa bawat pagdinig para maiwasan ang mahabang paglilitis.

Sina Reyes at Napoles ay kapwa akusado ni Enrile sa kasong pork barrel scam sa pamamagitan ng umanoy paglalaan ng PDAF ng mambabatas sa pekeng NGO ni Napoles para makakuha ng mala­king komisyon.

vuukle comment

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ANG

BENHUR LUY

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

DEPARTMENT OF JUSTICE

GIGI REYES

JANET LIM NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with