^

Police Metro

VP Binay suportado ng Martial Law fighters at ex-detainees

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang isang grupo na binubuo ng mga Martial Law fighters at mga da­ting political detainees ang kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 dahil malinaw na si Binay ang siyang bubuo ng mga nabigong pangarap ng kabataan.

Ayon kay Mauro Gia Samonte, Barangay Binay’s National Spoke­person na nararamdaman nila na ang bansa ay mu­ling aangat at hindi na mapipigilan ang tagum­pay ni Binay sa halalan.

Ang grupo ay binubuo ng mga dating revolutionary leaders sa mga organisasyon tulad ng Katipunan ng mga Samahan ng Manggagawa (KASAMA), Kabataang Makabayan (KM), Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK) at iba pang samahan na  pro-democracy sa ilalim ng Movement for Democratic Philippines (MDP) na nagtulak sa mga tao na labanan ang panahon ng dikdaturya ng Marcos.

Sinabi pa ni Samonte na si Binay ay siyang susunod na pangulo ng bansa at sa administrasyon nito ay malinaw na aayusin ang mga bigong pangarap ng mga sambayanan na siya naman inaagaw ng may madilim na hangarin na ito ay hindi mangyari.

“ Hindi kami papayag na ito ay mangyari. Dapat ay maging vigilant. Maging handa at siguraduhin na si VP Binay ay hindi madadaya sa magiging tagumpay nito,” wika ni Samonte.

Inihayag pa ni Samonte na sa ilalim ng administrasyon ni  Binay ay muling sisigla ang ekonomiya tulad sa Makati, social services tulad ng pabahay na bibigyan ng malaking pondo at maging ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ay hindi na mapapabayaan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY BINAY

BINAY

DEMOCRATIC PHILIPPINES

KABATAANG MAKABAYAN

MARTIAL LAW

MAURO GIA SAMONTE

MGA

NATIONAL SPOKE

SAMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with