^

Police Metro

Sa kabila na dinismis ng Ombudsman... Junjun tatakbong muli sa pagka-Mayor

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling tatakbo sa pagka-alkalde sa 2016 si Makati Mayor Junjun Binay sa kabila nang kautusan ng Ombudsman sa nagdismis sa kanya bilang mayor at pagdiskwalipika na humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan dahil sa kasong administratibo na isinampa.

Ayon kay Joey Salgado, spokesperson for media affairs, Office of the Vice President, na maghahain ng kanyang certificate of candidacy sa susunod na linggo ang batang Binay.

Sa pahayag ni Salgado na hindi mapipigilan ng Ombudsman si Mayor Junjun na muling tumakbong mayor sa 2016 dahil ang desisyon ng korte ay hindi pa pinal.

“Gusto nilang pigilan ang pagtakbo ni Mayor Junjun. Pero nagkakamali sila dahil hanggang walang final judgement sa kaso, pwedeng tumakbo sa eleksyon si Mayor Junjun Binay,” wika ni Salgado.

Anya, haharapin  ni Mayor Junjun at dudulog s’ya sa hukuman para matigil ang pang-aabuso at panggigipit ng admi­nistrasyon. Hindi mapi­pigilan ng order ng Ombudsman ang pagtakbo ni Mayor Junjun Binay sa 2016 at maglingkod muli sa mga taga-Makati.

Idinagdag pa ni Salgado na klarong-klaro ang panggigipit sa pamil­yang Binay. Malinaw ang bias at selective justice ng Ombudsman na bahagi ng conspiracy ng mga government agencies kasama ang Senado at ang AMLAC na siraan at gipitin si VP Binay at ang kanyang pamilya dahil lang sa hangad n’ya na maglingkod sa mahihirap.

“Bistado na ang Ombudsman. Minadali nito ang order dahil sa Lunes ay magsisimula na ang filing ng CoCs para sa 2016 election. Ni wala pang kopya ng order na natanggap si Mayor. Dismissal by press release ang ginawa ng Ombudsman,” pagwawakas ni Salgado.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANYA

BINAY

JOEY SALGADO

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MAYOR

MAYOR JUNJUN

MAYOR JUNJUN BINAY

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

SALGADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with