Obrero nakuryente
MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 59 -anyos na construction worker nang makuryente habang nagpipintura sa roof deck ng isang bahay sa Novaliches, Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Diego Carlos, nakatira sa Cainta, Rizal na agad nasawi dahil sa tinamong third degree burn.
Base sa report ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong alas-9:30 ng umaga habang nagpipintura si Carlos sa roof deck ng bahay sa Greenville Executive sa Sauyo, Novaliches nang aksidente mahawakan ang high tension wire ng Meralco.
Sa lakas ng boltahe ay tumilapon ang biktima at nasunog pa ang katawan.
- Latest