^

Police Metro

Driver natagpuang patay sa kanyang taxi

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa pag-alingasaw ng mabahong amoy mula sa isang nakaparadang taxi ay natuklasan ang bangkay ng driver kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kanyang driver license na si Jesus Cecilio Caing, 36, ng No.109 JP Rizal St., Brgy. Milagrosa, Project 4, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang minamanehong kulay puting JAAC taxi (UVR-714) nakaparada sa  tapat ng No.65 18th Ave., Brgy.San Roque.

Unang inakala ng mga residente na nagpapahinga lamang ang biktima hanggang sa umalingasaw ang amoy mula dito dahilan para matuklasang patay na ito.

Ayon sa ilang residente apat na araw na umanong nakaparada ang sasakyan sa lugar at una ay umaandar pa ito hanggang sa huminto na lamang marahil dahil naubusan na ng gasolina.

Sinasabing madalas na nakikitang umiistambay ang biktima sa lugar dahil dito siya nagpapalinis ng kanyang sasakyan. Posibleng nakatulog umano ang biktima sa loob matapos na magpa-car washed.

Lumilitaw na wala naman umanong makitang anumang sugat sa katawan ng biktima na magiging sanhi ng kanyang kamatayan lalo pa at nasa stage of decomposition na ito.

vuukle comment

ANG

AYON

BATAY

BIKTIMA

BRGY

DAHIL

JESUS CECILIO CAING

LUMILITAW

QUEZON CITY

RIZAL ST.

SAN ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with