^

Police Metro

Kawatan na riding-in-tandem aktibo sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Aktibo ang kawatan na riding-in-tandem sa Quezon City nang ito ay makapa ng biktima ng dalawang ginang sa magkahiwalay na insidente.

Ang unang insidente ay naganap dakong alas-10:06 ng gabi nang tutukan ng baril ang biktimang si Geoel Marie Quico, 33, habang kasama ang hipag nito ng riding-in-tandem sa sa may F. Bautista St., San Pedro St., Brgy. Damayan at pilit na kinuha ang dala niyang cellphone at wallet at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Ilang minuto ang nakakalipas ay umatake rin ang riding-in-tandem at hinoldap ang ikalawang biktima na si Jennifer Charisma H. Pallasigue, 32 na tinutukan ng baril sa ulo sa Brgy. Ramon Magsaysay, Cotabato St., Bago Bantay ng naturang lungsod.

Ayon kay Pallasigue, nasa sasakyan siya nang mapansin na may kasalubong silang naka-motor kaya’t pinalampas nila ito bago sila nag-park. Subalit, pag­labas ng sasakyan ay mismong sa kalye at harap ng isang karinderya  bumaba ang isa sa mga suspek  at tinutukan at pilit na kinuha ang dalang bag.

Ayon sa pulisya na iisa lang deskripsyon ng mga suspek sa dalawang insidente.

vuukle comment

ANG

AYON

BAGO BANTAY

BAUTISTA ST.

BRGY

COTABATO ST.

GEOEL MARIE QUICO

JENNIFER CHARISMA H

PALLASIGUE

QUEZON CITY

RAMON MAGSAYSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with